Posts

Showing posts from December, 2022

dating himig

Hindi mo mapagtanto Puso’y sumasabog Luha tila’y tutulo Sa bawat tugtog Himig At liriko Ikaw ay napa-oo Shux! Kanta ko ba ‘to? Salamat kay Kiko Ogie At Yeng Mga manunulat na pumukaw sa puso natin, meng Mga awiting nagniningning Sa tenga’t puso ng bawat isang Nais ay maghilom ang puso O makalimutan ang taong sumuko Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin Iba na ang lirikong hangarin Ng tenga Iba na ang gustong dinggin Yung mga kantang iba na ang pahiwatig Hindi na nakakatuwa, sa iba pag nadinig Tila walang direksyon Respeto Tradisyon Lalo na yung mga awiting babae ang atraksyon Hindi ba dapat Ang nararapat Pagkababae’y inaangat Ng bawat isa Hindi inaapakan Inuurakan Sa pamamagitan ng mga lirikong kagagawan Ng mga manunulat na parang wala lang Parang wala lang ang mga katagang Kanilang itinaga Sa tenga ng karamihan na parang wala lang Hayun daw si Neneng B May pink na panty Parang sorbetes Dilaan daw ang nais Anong imahe kaya Imahinasyon Konsepto Tumatakbo sa mga tagapakinig Na imbes ...

AJA!

  When nothing goes right, go left When there is nothing left, Be the right Do the right Start the fight. Let awareness ignite of this disease everyone gives a sight Be each other’s guide of knowledge Bridge of hope Thus switch to positive—act positive, do positive On those who are HIV Positive Not the stigma of who’s diseased Is the same as his disease: Virus Incurable And manageable He is not a virus He is a victim He needs acceptance Affection and love. That can’t be equal to any medicine—if there is any. He should feel that he belongs Not different Despite having it that can’t be cured even with a million cents He must be protected Not neglected He must be saved Not feel in grave Thus Therefore Kung kaya’t All of these are still hindi sapat If not all Me and you Will do the act We should do what is nararapat What is right, not wrong Ang karapat-dapat Listen to be informed: Don't close your ears Eyes Mind On the alarming HIV AIDS; Open them, not cover them with shades S...

bahaghari

🎶  Nung ako’y nag hayskul ay Napabarkada sa mga bi Curious na babae na ang hanap din ay babae 🎶 🎶 Dahil ba ang mga kilos ko’y iba Sa dapat makita ng iyong mata Sa tuwing nanonood ng liga laging nakatulala Kahit di pumasok ang bola Ako’y tuwang-tuwa 🎶 Mga sikat na awit Mga kantang libu-libong puso ang namingwit Dahil natuwa Namangha Na-LSS O di kaya’y Nakarelate. Nakaramdam ng koneksyon Sa kantang nais Sa kantang ang misyon Ay makapagbukas ng isip “I now pronounce you husband and wife.” Palakpakan. Hiyawan. Ayeeee. Woot woot. Kasi babae yung nakaputi Lalaki yung nakabarong Kasi nga raw Persepsyon ng mga tao Ng karamihan Ang lalaki ay para sa babae. “Sinong nag-make up sa ate mo? Bakla ba? Sino?” Tanong ng tatay mo Nung 18th birthday ng iyong Ate Malo Talagang sa’yo pa Na mas kabisado Mga highend at local brands MAC, BYS, Maybelline Mas kilala Mga damit na bago Mga disensyong uso ng mga bisteda’t gown na pang bongga-low. Pero nasagot mo ay “Oo, Tay. Bakla. Di ko po k...