dating himig

Hindi mo mapagtanto

Puso’y sumasabog

Luha tila’y tutulo

Sa bawat tugtog

Himig

At liriko

Ikaw ay napa-oo

Shux!

Kanta ko ba ‘to?

Salamat kay Kiko

Ogie

At Yeng

Mga manunulat na pumukaw

sa puso natin, meng

Mga awiting nagniningning

Sa tenga’t puso ng bawat isang

Nais ay maghilom ang puso

O makalimutan ang taong sumuko

Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin

Iba na ang lirikong hangarin

Ng tenga

Iba na ang gustong dinggin

Yung mga kantang iba na ang pahiwatig

Hindi na nakakatuwa, sa iba pag nadinig

Tila walang direksyon

Respeto

Tradisyon

Lalo na yung mga awiting babae ang atraksyon

Hindi ba dapat

Ang nararapat

Pagkababae’y inaangat

Ng bawat isa

Hindi inaapakan

Inuurakan

Sa pamamagitan ng mga lirikong kagagawan

Ng mga manunulat na parang wala lang

Parang wala lang ang mga katagang

Kanilang itinaga

Sa tenga ng karamihan na parang wala lang

Hayun daw si Neneng B

May pink na panty

Parang sorbetes

Dilaan daw ang nais

Anong imahe kaya

Imahinasyon

Konsepto

Tumatakbo sa mga tagapakinig

Na imbes matalinhagang himig

Awiting may kahulugan sa pandinig

Kantang narinig

Ay tungkol sa babaeng nanginig

Nang inihiga sa sahig

Inilalaban pa ng iba

Argumentong “pinoy tayo! Suporta naman” “banyagang kanta nga iyong pinakinggan!”

Ang galing!

Ang lakas din!

Na imbes pangalagain

Isa’t-isa ay mahalin

Isa-isa naman natin

Dahan-dahang dinuduro

Pababa

Halaga ng bawat isa

Respeto sa kapwa

Lalo na para sa mga dalagang pilipina

Na imbes sa kanta

Kahulugan ang nangunguna

Nararamdaman ang pangalawa

Ngayon hinahayaan na

Ang kahit anong musika

Bumalandera sa lahat ng tenga

Bahala na

Ang lirikong nakakaapak na

Basta ang tono ay maganda

Sige, susuportahan ko na

Paano na?

Paano na ang mga susunod pang kanta

Maririnig ng ating mga tenga

Patuloy na ba?

Pag-usbong ng mga ganito

Na imbes itaas ang pagkatao

Gamit ang impluwensiya ng pagsulat

At sining sa musiko

Ay unti-unti ng pinupunterya

Ang pagbaba ng ating pagka-makatao.

Nag-iba na ba talaga ang Pilipinas?

Pati mga awitin,

Parang kolorete ay humuhulas?

Nasaan na ang dati?

Hindi ko sinasabing balikan mo ang iyong dati

Pero ang dating musikang Pinoy?

Talaga bang atin ng itataboy?

Ang malilikhaing kantang may saysay

Nung nakaraan na lang ba, hoy?

Sana atin pang pagyabungin

Imahe ng isa’t-isa

Gamit ang awiting

Sa pagsulat sana’y mabuti ang hangarin

Palagi

‘Di lang sa sarili

Pati para sa kapwa

Dapat ay laging may

Respeto

Para hindi delikado

Pagyabungin lagi ang pagiging makatao.

Comments